tagulan na naman

June 14th, 2005 by makatangbituin

panahon ng tagulan
panahon ng paghihinagpis
panahon ng kalungkutan

mamaya sa ilalim ng ulan,,,
ako ay tatangis..
walang makakakita ng luha ko…

dadamhin ko ang taglamig magisa
walang makakaalam
mamayang konti
maglalaho na ko sa mundo
mawawala parang bula
magiging usok at
magpapaluha sa ibang tao…

pagiinarte

May 25th, 2005 by makatangbituin

tagal ko na nagpost ng random thoughts ko ah.. nakakainis…

wala akong makausap ng matino…

bakit ganun?

wala kang halaga sa mga taong pinahahalagahan mo..

bakit ba naimbento ang konsepto ng ‘taken for granted’?

pag naginarte ka, sensitive ka na….

pag di ka naman nagreact, insensitive ka…

bakit ba may mga taong lagi na lang turing sayo bata?

imbes na magpataas ng moral mo, pinapahina pa loob mo…

di na ko natutuwa sa mga nangyayari ngayon…

May 23rd, 2005 by makatangbituin

11377670739950l

nangingintab na noo ng bilog na buwan…

na nagbibigay ng liwanag sa makatang bituin nakdungaw sa malaking espasyo ng kalawakan…

pinagaawayan kung lumilipad nga ba ang bibe o hindi…

kanina umulan

April 19th, 2005 by makatangbituin

kanina umuulan…

kanina nagyoyosi ako…

di ko namalayan…

sa layo ng iniisip ko, nabasa na pala ako sa ambon

tinapon ko ang yosi…

kapatid!!!

April 8th, 2005 by makatangbituin

pukelenne at junielee

bakit kailangan may umalis?
bakit kailangan may maiwan?
bakit kailangan maghiwalay?
bakit kailangan lumayo?

akala ko ilang buwan pa kita makikita…
akala ko matagal ka pa aalis…
akala ko magkakasama pa tayo…
akala ko hindi ako iiyak pag iniisip kong aalis ka…

sana bago ka umalis

makasama kitang magyoyosi sa badagwas,
makasama kitang tumambay sa may court…
makasama kitang tumingin sa bituin sa may rooftop nio…
makasama kitang manood sa front row ng sinehan…
makasama kitang maglakad sa ATC, habang may iniinom na pearl shakes…
makasama kita pag pasko at patagong iinom…
makasama kita magmomovie marathon…
makasama kita magsukat ng damit sa lahat ng shops sa dept.store..
makasama kita magsenti mode at makakuentuhan ng kahit anong bagong nangyayari sa buhay natin
makasama kita at marinig lahat ng himutok mo tungkol sa kung anu-anong kaburyungan mo sa buhay
makasama kita sa paglalakad papuntang palma…
makasama kita sa pagsigaw at pagiyak

ewan, madami pa akong gustong ilagay dito, lam ko namn na hindi sapat ang espasyo rito…. basta lam mo na un… kapatid!!!

**************************************
(para sa isang taong, halos naging kadikit ko ng bituka, alam mo kung sino ka pag binasa mo ito!)

sayaw

April 5th, 2005 by makatangbituin

habang ating ang gabi…

tayoa y sumayaw

huwag tayong bibitaw…

sana wala nang tumapik sa ating mga balikat

nang sa gayon ikaw na ang maging kapareha ko sa pagsayaw habambuhay

-hinalo mula sa prom ng sugarfree at mula sa isang kwento sa ladlad

mula sa utak ng isang aping masa

March 5th, 2005 by makatangbituin
Star emoticon
sistemang inekwalidad,
yan ang sistemang umiiral sa lipunan natin ngayon
sana ay magising
ang mga matang luwa sa sistema
humawak ng armas
at lipulin ang mga kaaway–ang mga tutubing bakal
na walang ginawa kundi magpalaki ng mata
at magpahaba ng buntot..
Star emoticon
Star emoticon
taong nilamon ng sistema
taong wala ng alam gawin
mata’y nakapiring
tungo lamang sa isang direksyon
walang kaliwa
walang kanan
nanatiling lubog sa sistema
sana’y magising
matutong tumindig
matutong labanan ang sistemang bulok
Star emoticon
Star emoticon
inang bayan, yan ang tawag sa iyo
malaya ka nga ba?
tignan mo ang iyong mga mamamayan
hanggang ngayon ay pautuloy pa rin nasasakal
ng mga imperyalistang manlilinlang
yan ba ang malaya?
hanggang kelan ka magtititis?
hanggang kelan ka luluha?
hanggang kelan?
Star emoticon
random thoughts 01/22/2005

sana umulan

March 5th, 2005 by makatangbituin
sana umulan
Star emoticon
mula ng akoy nagkaroon ng muwang sa  mundo
natutunan kong mahalin ang mga patak ng ulan
ang sarap magtampisaw sa ilalim ng ulan..
tanda ko pa noon may nagsabi sa kin,
sasamahan niya ako sa paglusong sa ulan…
ako’y agad naniwala at sumama
ngunit ng kami ay sumuong sa unos,
ako’y nagtaka dahil ako lang ang nababasa
at saka ko lang napagtanto wala na ang aking kasama
naiyak ako
sa ilalim ng ulan,
tanging saksi ang wasiwas ng hangin
kasama kong nanaghoy ang mga dahong basa na rin…
sa ilalim ng ulan,
walang makakasaksi ng pagtulo ng aking luha
kailan kaya darating
ang taong may dalang payong
ang taong handa akong damayan
ang taong handa sumama sa kin magtampisaw
ang taong hindi ako hahayaang mabasa magisa
kailan kaya….
Star emoticon