NAsAN ANG PASKO

ilang pasko na ba ang nagdaan?
ilang taon ko na ring hinahanap ang pasko?…

noong bata ako alam ko pa kung ano ang pasko…
hanggang isang araw na lang

bigla na lang naglaho ito sa aking isipan…
mula noon di na ko tumigil sa paghahanap ng pasko

sinubukan kong hanapin ang  pasko sa bawat regalong

natatanggap ko..
nabuksan ko na lahat pero wala naman ang pasko..

sinubukan ko ring pakinggan ang pasko sa mga nangangaroling,
nabingi lang ako pero wala pa rin ang pasko…

sinubukan kong tikman ang pasko sa mga noche buena,

naimpatso’t nabusog na ako wala pa rin ang pasko…

sinubukan ko ring langhapin ang malamig na simoy na

hangin ng pasko,
sinipon at inubo lang ako,
di ko pa rin naramdaman ang pasko…

sinubukan ko ring makisaya sa bawat tahanan,
napagod lang ako
di ko pa rin nahagilap ang pasko…

ngayon magpapasko  na naman…
hinahanap ko pa rin ito…
paulit-ulit…

ikaw,alam mo ba kung nasaan ang pasko?

Leave a Reply