sana umulan
sana umulan
mula ng akoy nagkaroon ng muwang sa mundo
natutunan kong mahalin ang mga patak ng ulan
ang sarap magtampisaw sa ilalim ng ulan..
tanda ko pa noon may nagsabi sa kin,
sasamahan niya ako sa paglusong sa ulan…
ako’y agad naniwala at sumama
ngunit ng kami ay sumuong sa unos,
ako’y nagtaka dahil ako lang ang nababasa
at saka ko lang napagtanto wala na ang aking kasama
naiyak ako
sa ilalim ng ulan,
tanging saksi ang wasiwas ng hangin
kasama kong nanaghoy ang mga dahong basa na rin…
sa ilalim ng ulan,
walang makakasaksi ng pagtulo ng aking luha
kailan kaya darating
ang taong may dalang payong
ang taong handa akong damayan
ang taong handa sumama sa kin magtampisaw
ang taong hindi ako hahayaang mabasa magisa
kailan kaya….