MOMMY MODE: RED ALERT!!! RED ALERT!!!
January 4th, 2006 by makatangbituinMalapit na!!!
2cm na…
Malapit na!!!
Ilang araw na lang…
Malapit na!!!
2cm na…
Malapit na!!!
Ilang araw na lang…
i remember when i was in my kindergarten years, we were instructed by my teacher to draw a picture of what we think our guardian angels would look like…
i dunno, but maybe at that time i just have a wild imagination… i drew a stick figure of an angel with wings… well, actually i colored it with black…
my classmate approached me and asked why was my guardian angel black instead of white… i just gave her a sarcastic look and replied "who told you that angels should be white, nywei? did you actually see one?" hahaha…
whenever that scene would cross my mind… i can’t help but smile ‘coz imagine i was only 4 years old at that time…(bata pa lang may sungay na!!!)…
oh well, i was baptized and confirmed under catholic vows but eversince i really have a lot of questions about my religion… so if someone would ask me, whom i believed in… i would just simply say, i have my own god… i am half agnostic-half not (weird)…. if i pray, i pray directly to my god… sometimes i would envision him as chinese or sometimes an afro-american…well, i mean who exactly can give a detailed image of god… the images that we have right now were created by other humans also… no one has actually seen god… and why does he have to look like an american, ayt?…
one thing more, i don’t like doing routines… if you failed to go to church for one sunday, would it lead you to hell… i hate going to the church, a lot of the church goers are hypocrites. wait till the end of the mass and see them unleashing the monsters hiding inside themselves… harhar…
well, as long as i don’t hurt anyone then i guess i would be on the safe side… i don’t have to go thru a lot of routines to practice my faith… i don’t have to conform to the norms of the society…i have my own way and i’m definitely sticking with it…
–it’s just that i keep on fucking the norms that were already laid–
wala lang…
difference ng live journal ko sa friendster blog ko…
sa live journal ko… daily account of my random thoughts… istorya ng buhay ko… kung paano ako naging PEST at si LENNE sa totoong buhay… the fun and comic side of me.. freestyle writing… http://www.livejournal.com/users/makatangbituin/
sa friendster blog ko… panay walang kamatayang mga tula ko… angsts and shits of my life…serious side ko (i guess so)… kadalasan ito ang kinalalabasan ng pagtugon ko sa mga tawag ng pluma at papel… http://makatangbituin.blogs.friendster.com/random_thoughts/
kung ako sayo… babasahin ko nalang sila pareho…
ilang pasko na ba ang nagdaan?
ilang taon ko na ring hinahanap ang pasko?…
noong bata ako alam ko pa kung ano ang pasko…
hanggang isang araw na lang
bigla na lang naglaho ito sa aking isipan…
mula noon di na ko tumigil sa paghahanap ng pasko
sinubukan kong hanapin ang pasko sa bawat regalong
natatanggap ko..
nabuksan ko na lahat pero wala naman ang pasko..
sinubukan ko ring pakinggan ang pasko sa mga nangangaroling,
nabingi lang ako pero wala pa rin ang pasko…
sinubukan kong tikman ang pasko sa mga noche buena,
naimpatso’t nabusog na ako wala pa rin ang pasko…
sinubukan ko ring langhapin ang malamig na simoy na
hangin ng pasko,
sinipon at inubo lang ako,
di ko pa rin naramdaman ang pasko…
sinubukan ko ring makisaya sa bawat tahanan,
napagod lang ako
di ko pa rin nahagilap ang pasko…
ngayon magpapasko na naman…
hinahanap ko pa rin ito…
paulit-ulit…
ikaw,alam mo ba kung nasaan ang pasko?
buksan ang mata at isip sa mensaheng nais ipabatid…
hanapin ang mga nangingilid na luha sa likod ng malapayasong ngiting
ipinakikita…
hanapin ang totoong persona na nagtatago sa maskarang nababanaag…
hindi lahat ng nakikita ay pawang katotohanan kundi ay panlilinlang…
hintayin ang pagsapit ng gabi…
makikita sa isang sulok…
sa isang napakadilim na sulok…
walang ilaw…
binabalot lang ng karimlan…
pagtanggal ng maskara…
naroroon siya umiiyak at naghihinagpis…
ULTRASOUND RESULTS: LAIDBACK + MAKATANG BITUIN = YSABELLA ETIENNE —yup, she is a she… my first child would be a girl
—nakakaexcite
—nakakatakot
—basta masaya ako…
5 months and still counting
kung dating insomniac ako dahil sa walang kadahilanan,
ngayon insomniac na ako dahil sa maraming dahilan….
ang pabaling-baling ko sa kama na walang katapusan
hatid ng sakit na hindi ko mawari
hindi ko alam kung iiyak na lang ako o sisigaw sa sakit
ang alam ko masokista ako, i love pain,
pero sa pagkakataong ito, di na umubra pagkabarubal ko
bumigay din ako
di bale okey lang
iindahin ko na lang sakit
4 na buwan pa
okey lang kahit masakit
okey lang kahit di ko na kaya
ang importante
maging okey siya
maging maayos lahat
para sa panibagong hubog
dahil mahal ko siya
bakit kailangan umalis at mangibang bansa at kalimutan ang pangarap na matagal ng sinisimulang buuin…
ipagpapalit ang pangarap sa limpak limpak na dolyares na kikitain…
oo nga naman pag nandun ka na, mabibili mo na lahat ng cd’s n gusto mo…. original pa…
pati bisyo mo, masusustentuhan mo doon, blue seal pa…
pero kahit anong gawin mo at kahit saan ka mapdpad…
di ka parin liligaya dahil iniwan mo ang pangarap mo sa hangin…
kahit balikan mo pa ito wala na sa ere nasa kawalan na…
alas singko impunto
nakita ko ang buwan sa kaulapan
pinapalayas ng sigang araw
ayw pa umalis ng buwan
nakikipagtalo sa araw
nagkagulo…
naghalo ang gabi sa araw…
nagunaw ang mundo